Kapwa ipinaabot nina Speaker Martin Romualdez at House Committee on Constitutional Amendments Chair Rufus Rodriguez ang pasasalamat sa G7 sa patuloy nitong suporta sa Pilipinas sa gitna ng tumitinding tensyon sa West Philippine Sea.
“On behalf of our country, we would like to express our deep gratitude to members of G7 and our allies in Asia-Pacific and other nations that have made similar statements of support,” ani Speaker Romualdez.
Sinabi ni Romualdez na panahon nang itigil ng China ang agresibo nitong mga aktibidad sa West Philippine Sea na sakop ng ating 200-mile Exclusive Economic Zone.
Partikular dito ang pangha-harass at pananakot sa mga Pilipinong mangingisda na nasa Bajo de Masinloc at Ayungin Shoal.
Dapat na rin aniya umalis ang China sa Mischief Reef na sakop ng ating EEZ salig sa UNCLOS at 2016 arbitral ruling.
“Beijing should cease its aggression and abandon areas inside our 200-mile exclusive economic zone that its forces have occupied and militarized, reclaimed or seized. Otherwise, China risks isolation and possible sanctions,” giit ni Romualdez.
Para naman kay Rodriguez, ang suportang ito ng mga malalaking bansa ay nagpapakita na nananalo na ang Pililinas laban sa China sa international community.
Wala aniyang sinoman bansa ang nais na makaranas ng ginagawang agresyon ng China.
“The G7 declaration of support, together with similar pronouncements from allies of the Philippines in this part of the world, including Australia, New Zealand and Japan, is proof that we are winning the battle against China in the international community,” pahayag ni Rodriguez
Ang G7 ay binubuo ng mauunlad at makapangyarihang mga bansa na United States, Canada, France, Italy, Germany, Japan, at United Kingdom.
Sa deklarasyon ng G7, kanilang tinututulan ang planong pagbabago ng China sa sitwasyon sa East at South China Seas sa pamamagitan ng pwersa at pananakot.
Gayundin ang paggamit nito ng Coast Guard at Maritime Militia at panghaharang sa freedom of navigation at pambobomba ng water cannom sa mga sasakyang pandagat ng Pilipinas. | ulat ni Kathleen Jean Forbes