Ikinalugod ni House Majority Leader Manuel Jose ‘Mannix’ Dalipe ang naging pulong sa pagitan nina Speaker Martin Romualdez at Senate President Chiz Escudero.
Ito ang unang pulong ng dalawang lider ng Kongreso matapos magkaroon ng pagpapalit sa liderato ng Senado.
Ayon kay Dalipe nag silbi itong pagkakataon para mai-align ang mga prayoridad ng Kamara at Senado sa mga panukalang batas na nangangailangan ng kagyat na pagpapatibay.
Nagsilbi rin aniya itong daan para lalo pa mapagtibay ang working relationship ng liderato ng dalawang kapulungan.
“We’re very happy that the meeting was set by the House Speaker Ferdinand Martín Romualdez and Senate President Chiz Escudero. So it gives us the opportunity to align our priorities, you know, being able to talk closely on what of the legislative measures we should prioritize and pass right away. So this is an opportunity for us, for both Houses, to deepen our working relationship with one another.” sabi ni Dalipe
Kasama rin sa pulong sina Senate Majority Leader Francis Tolentino, Senior Deputy Speaker Aurelio “Dong” Gonzales Jr., Deputy Speaker David “Jay-jay” Suarez, House Committee on Appropriations Chairman Zaldy Co, Presidential Legislative Liaison Office (PLLO) Secretary Mark Llandro Mendoza, Undersecretary Adrian Carlos A. Bersamin ng Office of the Executive Secretary, House Secretary General Reginald Velasco, Senate Secretary Renato Bantug, Deputy Secretary Atty. Mavic Garcia, at Chief of Staff ni SP Escudero na si Atty. Roland Tan. | ulat ni Kathleen Forbes