Labis na ikinabahala ni House Committee on Welfare of Children Chair at BHW partylist Rep. Angelica Natasha Co ang desisyon ng pamunuan ng social networking site na X (dating Twitter) na pahintulutan ang mga sexually explicit content.
Aniya, ang bagong polisiyang ito ng X ay isang banta sa mga kabataan dahil pinadadali nito ang paglaganap ng prostitusyon at inilalapit ang mga potensyal na biktima sa sex offenders.
Maaari naman aniya na i-take down ang mga sexual content na ito sa pamamagitan ng petisyon sa National Telecommunications Commission (NTC).
Kaya naman mahalaga arin aniya na maging alerto ang mga awtoridad sa pagbabantay sa aktibidad at komonikasyon sa naturang social networking site.
“X and Elon Musk may not be aware of our laws on cybercrime, sexually explicit content, and OSAEC–online sexual abuse and exploitation of children. This new policy of X is a clear and present danger to Filipino children and adults,” sabi ni Co.| ulat ni Kathleen Forbes