Tiniyak ni House Speaker Martin Romualdez na suportado niya ang panawagan na taas-sweldo ng mga guro.
Sa ambush interview kay Speaker Romualdez sa ginawang site inspection ng 4PH project sa San Mateo Rizal, sinabi nito na ang pagsasabatas ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa teaching supplies allowance ay batid ng pamahalaan ang pangangailangang ito ng mga guro.
Una nang nanawagan sa gobiyerno si Act Teachers Party-list Rep. France Castro na i-upgrade na rin ang sweldo ng mga guro kasunod ng pagsasabatas ng Teaching Supplies Allowance Bill.
Aniya, isusunod na nila ang umento sa sweldo at allowance pero kailangang dumaan ito sa proseso.
Paliwanang ng House Leader na isa na dapat ipasa ay ang appropriation measures na nakaprograma na sa susunod na budget para sa taong 2025.
Siniguro din ni Speaker Romualdez ang budget allocation sa pagsasakatuparan ng nilagdaang teaching supplies allowance.| ulat ni Melany V. Reyes