Huling akusasyon ng China, “malign influence” operation lang — AFP

Facebook
Twitter
LinkedIn

Binansagan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) bilang bahagi ng “malign influence operation” ang huling akusasyon ng China na sinisira umano ng mga tropang naka-istasyon sa BRP Sierra ang mga lambat ng mga mangingisdang Chinese sa Ayungin Shoal.

Ayon kay AFP Spokesperson Col. Francel Margareth Padilla, hindi na papatulan ng AFP ang akusasyon sa pamamagitan ng detalyadong sagot dahil layon lang ng China na ilihis ang atensyon mula sa kanilang patuloy na “illegal, coercive, aggressive, and deceptive actions” sa West Philippine Sea.

Ayon kay Padilla, mas mahalagang bigyang diin na ang presensya ng mga barko ng China sa loob ng Exclusive Economic Zone ng Pilipinas ay iligal at mapanghamon.

Giit ni Padilla, ang Pilipinas ang may “sovereign right” sa naturang bahagi ng karagatan na kinikilala ng International Law, at determinado ang Pilipinas na ipaglaban ang kanyang karapatan at soberenya sa WPS. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us