Mariing tinuligsa ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief General Romeo Brawner Jr. ang huling insidente ng pang-ha-harass ng China sa resupply Mission sa Ayungin Shoal bilang paglabag sa maritime rights ng Pilipinas at banta sa stabilidad ng rehiyon.
Sa isang pahayag, iginiit ni Gen. Brawner na walang karapatan o ligal na kapangyarihan ang China na panghimasukan ang lehitimong operasyon o lumikha ng pinsala sa pag-aari ng Pilipinas sa loob ng Exclusive Economic Zone (EEZ) ng bansa.
Binigyang-diin ng heneral na ang agresibong pagkilos ng China ay nagresulta sa “bodily harm” at lantarang paglabag sa international maritime law, at sa soberenya at pambansang karapatan ng Pilipinas.
Nanindigan si Gen. Brawner na mananatiling tapat ang AFP sa pagtataguyod ng “rule of law”, at makikipagtulungan sa mga “international partners” para masiguro ang kapayapaan at stabilidad sa West Philippine Sea at sa Indo-Pacific Region. | ulat ni Leo Sarne