Marami pa ring pasaway na motorista ang pinipiling dumaan sa EDSA Busway sa kabila ng holiday at maluwag naman ang EDSA.
Ito’y makaraang sitahin ng mga operatiba ng Special Action and Intelligence Committee for Transportation (SAICT) ang hindi bababa sa 20 motorista sa ikinasa nilang operasyon sa bahagi ng EDSA-Ortigas.
Karamihan sa mga nasitang motorista ay mga 4-wheeled vehicle, habang may ilan naman ay motorsiklo, sa pag-aakalang walang manghuhuli ngayong araw dahil sa holiday.
Habang ang palusot ng ilan, ginamit lamang nila ang EDSA bus lane bilang overataking lane lalo na sa mga bahaging walang concrete barrier.
Dahil dito, lahat ng mga nahuli ay pinatawan ng ₱5,000 na multa para sa mga pasaway na motorista. | ulat ni Jaymark Dagala