Bumaba ang naitalang gas output o ang ibinubugang asupre (sulfur dioxide) sa Mt. Kanlaon sa nakalipas na 24-oras.
Batay sa monitoring ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) bumaba sa 1,807 tonelada ang sulfur dioxide (SO2) gas na ibinuga ng bulkan mula sa naitalang 4,395 na tonelada noong Sabado.
Gayunman, nagpapatuloy pa rin ang steaming activity sa Bulkang Kanlaon.
Ayon sa PHIVOLCS, naobserbahan ang katamtamang pagsingaw sa bulkan na may 300 metrong taas.
Mayroon ding anim na volcanic earthquake o pagyanig ang naitala sa bulkan. | ulat ni Merry Ann Bastasa