Naniniwala si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na may pagbabago ng nagagawa sa takbo ng pulitika sa bansa.
Sa gitna na rin ito ng pagkakaisa na siyang isinusulong ng administrasyon sa ilalim ng Bagong Pilipinas.
Sinabi ng Pangulo na sa nakikitang alyansang nagaganap ng iba’t ibang political parties ay panahon na upang wakasan ang isipang kaya ito ginagawa ay dahil sa pakinabang na makukuha na aniya’y ipinakakahulugan pang ibang marriage for convenience.
Binigyang diin ng Chief Executive na hindi ito ang dapat na maging basehan ng mga nangyayaring alyansa gayung ang alyansa sabi ng Pangulo ay dapat na maisaalang-alang hindi batay sa pampulitikang kapakinabangan kundi sa ideolohiya.
Dagdag ng Pangulo na ito ang isinusulong ng kanyang administrasyon habang pilit na binubura ang kaisipang ang pakikipag-alyansa ay para lamang sa pampulitikal na interes. | ulat ni Alvin Baltazar