Abiso sa publiko.
Pansamantalang hindi magagamit ang ilang application systems ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) dahil sa isinasagawang network maintenance.
Ito ay upang mas mapabuti ang serbisyo ng PhilHealth sa kanilang mga miyembro at stakeholder.
Batay sa abiso ng PhilHealth, magkakaroon ng system downtime simula alas-7 ng gabi kanina hanggang alas-6 ng umaga bukas.
At muli itong ipatutupad sa June 13 hanggang June 14 sa kaparehong oras.
Kabilang sa maaapektuhang mga application system ang HCI Portal, PhilHealth eClaims Web Services, Member Portal, Membership API, My PhilHealth Portal, Konsulta API, at iba pa.| ulat ni Diane Lear