Mawawalan ng suplay ng tubig ang ilang barangay sa Pasay City at Quezon City simula bukas, Hunyo 10.
Sa abiso ng Maynilad Water Services, may isasagawang maintenance activities sa mga apektadong lugar.
Kabilang sa maapektuhan ang Barangay 76 hanggang 78 sa Pasay City.
May gagawing leak repair ang water company sa bahagi ng FB Harrison sa tapat ng Pasay Pumping station.
Sisimulan ang pagsasaayos mula alas-8:00 ng gabi ng Lunes hanggang alas-8:00 ng umaga kinabukasan.
Mula Hunyo 13 ng gabi hanggang 14 ng umaga, mawawalan din ng suplay ng tubig ang Barangay Gulod, Nova Proper, at Sta. Monica sa Quezon City.
May isasagawa namang audit sa bahagi ng Quirino Hjghway at Susano Road sa Novaliches. | ulat ni Rey Ferrer