Ilang flood prone areas sa Caloocan, ininspeksyon ni Mayor Along Malapitan

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagkasa ng inspeksyon si Caloocan Mayor Along Malapitan sa ilang mga flood prone areas sa District 1 at District 3 bilang bahagi pa rin ng paghahanda sa panahon ng tag-ulan.

Kabilang sa inikot ng alkalde ang mga lugar sa siyam na barangay na madalas bahain kapag maulan ang panahon.

Kasunod nito, inatasan ng alkalde ang City Engineering Department na kaagad hanapan ng pangmatagalang solusyon ang pagbaha sa mga naturang lugar.

Plano ring makipag-ugnayan ng LGU sa Department of Public Works and Highways (DPWH) para sa mga flood mitigation projects sa lungsod.

Una na ring nagsagawa ng declogging operation ang mga kawani ng Caloocan Public Safety and Traffic Management Department (PSTMD) sa mga baradong kanal at estero sa lungsod. | ulat ni Merry Ann Bastasa

📸: Caloocan LGU

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us