Nakakaranas na ng mga pag-ulan ngayong hapon ang ilang lugar sa Luzon kabilang ang Metro Manila.
Sa inilabas na thunderstorm advisory ng PAGASA-DOST mararamdaman ang mga pag-ulan sa loob ng dalawang oras.
Katamtaman hanggang malakas na ulan na may kasamang pag kidlat at malakas na hangin ang asahan na sa mga lalawigan ng Nueva Ecija, Tarlac, Pampanga, Bataan at Quezon.
Malakas hanggang matinding pag-ulan din ang mararanasan sa Antipolo, Taytay, Cainta, San Mateo, Angono sa Rizal; sa Lungsod ng Pasig, Marikina, Quezon City sa Metro Manila.
Uulanin din ang Angat, San Jose del Monte City, sa Bulacan; Botolan, Cabangan, Santa Cruz, Candelaria, Masinloc, Palauig, Iba sa Zambales, Calamba, Los Banos, Alaminos, Bay, Calauan, San Pablo, Rizal, Nagcarlan sa Laguna; Malvar, Santo Tomas, Lipa, Nasugbu, Tuy, Balayan sa Batangas; at Magallanes, Alfonso sa Cavite.
Ayon pa sa PAGASA, bukod sa mga nabanggit na lalawigan maaapektuhan din ng mga pag-ulan ang kalapit na mga lugar. | ulat ni Rey Ferrer