Ilang lugar sa Taguig City pansamantalang mawawalan ng kuryente ngayong araw, June 30 — Meralco

Facebook
Twitter
LinkedIn

Magsasagawa ng maintenance work ang Meralco ngayong araw ng Linggo, June 30, sa ilang bahagi ng Taguig City dahilan upang pansamantalang mawalan ng kuryente ang ilang lugar sa lungsod.

Apektado ng nasabing maintenance work ang ilang bahagi ng Ususan at Western Bicutan magmula 9:00 ng umaga hanggang 2:00 ng hapon.

Kabilang sa mga mawawalan ng kuryente ang mga bahagi ng Carlos P. Garcia Ave. (C-5 Road) mula Pinagsama Village Phase 2 hanggang PDS Ave., kabilang ang Diego Silang Village, MRB Condominium Compound, at BCDA Field Office.

Gayundin, maaapektuhan ng pansamatalang pagkawala ng kuryente ang PDS Ave. mula Carlos P. Garcia Ave. hanggang Cypress Tower sa Ususan.

Kasama sa mga gagawin ng Meralco ang pagkumpuni at paglalagay ng bagong linya sa kahabaan ng Carlos P. Garcia Ave.

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us