Ilang mambabatas, ikinalugod ang pagkakabasura ng huling drug case laban kay dating Sen. Leila de Lima

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nakamit na rin ang hustisya.

Ito ang pahayag ni Albay Representative Edcel Lagman matapos tuluyang ibasura ng korte ang huling kaso laban kay dating Senador Leila de Lima na nagsasangkot sa kaniya sa iligal na droga.

Dahil aniya dito napatunayan ang pagiging inosente ng dating senador.

“Justice finally prevails for former Senator Leila de Lima. Her innocence has been upheld. Her indomitable spirit has conquered the vileness of malicious prosecution,” sabi ni Lagman.

Pinuri naman ni Gabriela Party-list Representative Arlene Brosas, ang dismissal sa mga gawa-gawang kaso laban kay De Lima na isinampa ng Duterte administration.

Long overdue na rin aniya na malinis ang pangalan ni De Lima mula sa naturang mga kaso.

Ibinasura ng korte sa Muntinlupa ang ikatlo at huling kaso laban kay De Lima matapos pagbigyan ang “demurrer to evidence” dahil sa kabiguan ng kampo ng prosekusyon na magpakita ng mga katibayan na magdidiin sa kaniya. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us