Ilang mambabatas, may mungkahi sa pagpili ng susunod na DepEd secretary

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ipinanawagan ni Manila Representative Joel Chua sa Ehekutibo na pumili ng isang ‘outstanding’ teacher na may malawak na karanasan bilang bagong magiging kalihim ng Department of Education (DepEd).

Mungkahi ni Chua, maaaring manggaling sa mga public teacher na ginawaran ng Presidential Lingkod Bayan Award, CSC Dangal ng Bayan Award, Ten Outstanding Filipinos Award, The Outstanding Young Men (TOYM) Award, o Metrobank Outstanding Teacher Award ang bagong DepEd secretary.

Aniya masisiguro kasi na nagturo talaga sila sa DepEd public school, umangat sa ranggo, at dumaan na sa mga pagkilatis ng kanilang kakayahan, integridad, at values.

Maaari din aniya na kumuha mula sa mga public school teacher na may advance higher education sa mga state universities and colleges o kaya naman ay mga dating public school teacher na kalaunan ay naging employers o entrepreneurs.

Para naman kay Albay Representative Joey Salceda, nakikita niyang maaaring sumunod na secretary of Education si Commission on Higher Education (CHED) Chair Prospero De Vera na masugid na isinulong ang Universal Access to Quality Tertiary Education (UAQTE) program at sa kaniyang pagpapadali ng ugnayan ng DepEd at CHED.

Isa pa sa inirekomenda ni Salceda si Synergeia Foundation head Milwida “Nene” Guevara na tumukoy sa structural defects ng education system lalo na sa basic education.

Giit pa nito na isang mahalagang posisyon ang Education secretary at hindi ito dapat mabakante ng matagal. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us