Ilang mamimili sa Agora Public Market sa San Juan City, hati ang pananaw sa planong pagbebenta ng mura pero lumang bigas sa Hulyo

Facebook
Twitter
LinkedIn

Magkakaiba ang pananaw ng ilang mamimili sa Agora Public Market sa San Juan City sa plano ng pamahalaan na magbenta ng ₱29 kada kilo ng mura subalit lumang bigas sa Hulyo.

Ayon sa ilang nakausap ng Radyo Pilipinas, wala namang problema sa kanila kahit lumang bigas ang kanilang bibilhin lalo’t mura ito at pasok sa kanilang budget.

Paliwanag nila, mas masarap isaing ang luma o kung tawagin ay “laon” na bigas dahil mas maalsa ito at masarap kainin kaya’t pasok ito sa kanilang ginagawang pagtitipid.

May ilan namang tila nag-aalinlangan dito dahil baka hindi maganda ang kalidad gayundin ay may amoy at hindi na magandang isaing.

Una nang tiniyak ng National Food Authority (NFA) na bagaman luma ay maayos at disente naman ang ibebenta nilang stock ng bigas para sa milyon-milyong Pilipino na kabilang sa vulnerable sector.

Ipararaan ang murang bigas sa Kadiwa network kung saan, makikinabang ang mga Person With Disability (PWD), Solo Parents, Senior Citizens, at iba pa na maaaring makabili ng tig-10 kilo kada buwan. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us