Ilang mapagsamantalang importers, iba-blacklist na ng DA

Facebook
Twitter
LinkedIn

Desidido si Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. na i-blacklist na ang ilang nananamantalang importers sa bansa.

Sa panayam sa media, sinabi ng kalihim na may nasampolan na itong importer ng bigas at sa ngayon ay may apat pang kumpanya ang nasa listahan nito ng iba-blacklist dahil sa kanilang kaugnayan sa agricultural smuggling.

Dalawa sa mga ito ay importer ng isda, isa ang nag-i-import ng bigas, at isa ay asukal.

Giit ni Sec. Laurel, maituturing na economic sabotage ang ginagawa ng mga importer na ito.

Posible aniyang ilabas ng kalihim ang listahan ng mga blacklisted na kumpanya sa mga susunod na buwan.

Bukod naman sa hakbang na ito, nakipag-ugnayan na rin aniya ang DA sa Food and Drug Administration (FDA) para ma-deputize ang mga tauhan ng DA Inspectorate and Enforcement at maginspeksyon sa mga shipment ng processed goods na napapalusutan na rin ng smuggled agri products. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us