Ilang miyembro ng Kamara, suportado ang hakbang ng Senado na suspendihin ang konstruksyon at rebyuhin muna ang ipinapatayong bagong gusali nito

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagpahayag ng suporta ang mga mambabatas na miyembro ng Young Guns sa pansamantalang suspensyon ng new Senate building habang isinasailalim sa review.

Ayon kay 1-Rider Party-list Representative Rodge Gutierrez, mahalaga ang pananagutan pagdating sa paggasta ng pera ng bayan.

“It is only prudent to scrutinize projects involving public funds. We owe it to our constituents to ensure that every peso is spent wisely and effectively.This project is a prime example of why stringent checks and balances are essential. The significant cost overrun calls for a reassessment to protect our nation’s fiscal health,” ani Gutierrez.

Nasa ₱8.9-billion ang unang estima ng pondo para sa bagong Senate building, ngunit kalaunan ay lumaki sa ₱23.3-billion.

Sinabi naman ni Ako Bicol Party-list Representative Jil Bongalon na kailangan ang transparency at public trust upang maiwasan ang maling paggamit ng pondo.

Para naman kay Zambales 1st District Representative Jay Khonghun tama lang ang desisyon ng liderato na magsagawa ng masinsinang ebalwasyon sa proyekto.

“Delaying the project for a comprehensive review is a responsible decision. We must address any concerns and ensure the project aligns with the best interests of the Filipino people,” wika ni Khonghun.

Sinegundahan din ni La Union 1st District Representative Paolo Ortegaa ng sentimiyento ng mga kasama at sinabing tama ang hakbang ng liderato ng Senado upang maiwasan ang isyu at masiguro na makamit ng bagong Senate building ang pinakamataas na standard ng efficiency at accountability. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us