Iniulat ng Philippine Statistics Authority (PSA) ang pagtaas ng imbentaryo ng bigas sa bansa.
Batay sa tala ng PSA, umabot sa 2.08 milyong metriko tonelada ang kabuuang rice stocks inventory as of May 1, 2024.
May katumbas itong taunang pagtaas na 10.3% mula sa 1.88 milyong metriko tonelada na imbentaryo sa parehong panahon noong nakaraang taon.
Mas mataas rin ito ng 11.8% kung ikukumpara noong Abril na umabot sa 1.86 milyong metriko tonelada.
Kaugnay nito, tumaas rin ng 45% ang commercial stocks ng bigas kumpara noong nakaraang taon.
Sa kabuuang rice stock nitong Mayo, 55% ang mula sa households, 41.6% sa commercial sector, habang 3.3% sa National Food Authority (NFA) depositories. | ulat ni Merry Ann Bastasa