Aarangkada na simula bukas, Hulyo 1, ang pagpapatupad ng “No Plate, No Travel” Policy sa mga tricyle sa lungsod Quezon.
Sa abiso ng Land Transportation Office (LTO), ang operasyon ay alinsunod sa Republic Act no. 4136, Section 18 o ang “Use of Number Plates” na nagtatakda ng tamang paggamit ng plaka.
Ayon sa LTO, lahat ng tricycle na bibiyahe bukas na walang plaka ay ituturing ng iligal at colorum.
Nauna nang sinabi ni LTO Chief Vigor Mendoza II na ginawa ang hakbang matapos matugunan ng ahensya ang halos 3,000 backlog sa license plates ng mga triclcye sa QC noong nakaraang buwan.
Magsisilbi ring pilot ito ng kanilang mas mahigpit na Road Safety at Anti-Colorum Campaign na planong ipatupad sa buong bansa, kalaunan sa lahat ng uri ng sasakyan.| ulat ni Rey Ferrer