Hindi otorisado ng Office of the Speaker ang ‘Romualdez Rice’.
Ito ang paglilinaw ni Speaker Martin Romualdez patungkol sa kumakalat na social media post kung saan makikita ang dalawang supot ng tig-1 kilong bigas na may nakasulat na ‘Romualdez Rice’
Sa naging ambush interview ng media sa House leader, sinabi niya na hindi ito sanctioned ng kaniyang opisina.
Gayunman ang mahalaga may naipapaabot sa hapag ng mga Pilipino ang murang bigas.
“We haven’t sanctioned that so that will be rectified. But the most important thing is that we bring rice to every Filipino table at affordable prices.” sabi ni Romualdez
Hindi naman malinaw kung saan at kailan ipinamigay ang naturang bigas na may pangalan ng House Speaker.
Pinakahuling namahagi ng bigas si Romualdez sa Tagum, Davao del Norte at Bislig, Surigao del Sur ngunit pawang tig-li-lima at sampung kilo na nakasako. | ulat ni Kathleen Forbes