Dalawa ang patay samantalang tatlo ang nanatiling missing nang masunog ang isang fishing banca sa karagatang sakop ng Naga City, Cebu.
Sa ipinalabas na impormasyon ng Philippine Coast Guard District Central Visayas, natanggap nila ang impormasyon tungkol sa nasusunog na Fishing Banca King Bryan bandang 8:25 ngayong gabi, Hunyo 5.
Ayon kay Coast Guard Ensign Abel Lomboy,tagapagsalita ng PCGDCV, sa inisyal na impormasyon na kanilang nakuha, 11 ang sakay ng FBCA King Bryan.
Isang taong walang malay at nagtamo ng third degree burn rin ang natagpuan malapit sa pinangyarihan ng insidente.
Samantala, limang indibidwal rin ang narescue ng PCG.
Sa ngayon, patuloy pa ang search and rescue operation sa tatlong missing habang inaalam rin ang pinagmulan ng sunog.| ulat ni Angelie Tajapal| RP1 Cebu