Isang lane ng E. Santos Street sa Pasig City, pansamantalang isasara simula bukas

Facebook
Twitter
LinkedIn

Abiso sa mga motorista.

Pansamantalang isasara ang isang linya ng E. Santos St. sa Barangay Sumilang, Pasig City simula bukas hanggang sa June 28.

Ito ay upang bigyang-daan ang wire clearing operations ng Meralco.

Batay sa abiso, pansamantalang isasara ang isang lane simula alas-8 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon.

Humingi naman ng paumanhin ang Pasig Traffic and Parking Management Officer sa mga maaabala sa abala ng aktibidad.

Pinapayuhan ang mga motorista na planuhin ang kanilang biyahe at humanap ng alternatibong ruta. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us