Kinumpirma ng Department of Migrant Workers (DMW) ang pagkamatay ng isang OFW sa Hajj Pilgrimage dahil sa heatstroke.
Pumanaw ang OFW noong Hunyo 16 sa isang ospital sa Makkah.
Sa ulat ng DMW, nagtatrabaho ito sa Riyadh bilang isang health care professional.
Matapos maka-ugnayan ang pamilya ng OFW, inilibing na rin ang kanyang mga labi sa Makkah noong Hunyo.
Pagtitiyak pa ng DMW sa pamilya na aakuin nito ang anumang bayarin sa ospital at pagbibigay ng iba pang uri ng tulong. | ulat ni Rey Ferrer