Inilatag sa National Economic and Development Authority (NEDA) Board ang itinatakbo ng Infrastructure Flagship Projects (IFP) ng Marcos Administration sa ilalim ng Build Better More program, sa unang quater ng 2024.
Sa press briefing sa Malacañang, sinabi ni NEDA Secretary Arsenio Balisacan na sa State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. noong 2023, binigyang diin ng Pangulo ang mga factor na magpapaigting sa economic efficiency ng bansa sa pamamagitan ng pinaigting na imprastraktura.
“The progress made in developing our infrastructure has been substantial.” -Secretary Balisacan.
Mula aniya noong 2023 SONA ng Pangulo, nasa tatlong proyekto na ang naisakatuparan ng pamahalaan.
Nasa anim na rin ang nabigyan ng green light, habang walong proyekto naman ang sumasailalim ng sa konstruksyon.
Ang itinatakbo aniya ng mga proyektong ito ay sumasalamin sa positibong direksyon na tinatahak ng bansa, tungo sa economic growth goals nito.
“These achievements demonstrate significant headway in enhancing the country’s infrastructure. This advancement indicates a promising trajectory toward achieving nationwide infrastructure improvement and economic growth goals.” -Secretary Balisacan. | ulat ni Racquel Bayan