Naglabas ng ‘show cause order’ ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) laban sa jeepney driver na nagpahiya sa kaniyang pasahero.
Inutusan ng LTFRB ang driver at ang kanyang operator na humarap sa isang pagdinig sa Biyernes, Hunyo 14.
Ang show cause order ay dahil sa pinamalas na kawalan ng respeto ng driver, kabiguang ihatid ang pasahero, at paglabag sa “safe spaces in public transportation.”
Ang hakbang ng LTFRB ay tugon sa reklamong inihain at viral video na ipinost ng pasahero sa social media.
Batay sa reklamo ng 29-anyos na pasahero, hiniling ng jeepney driver na bumaba ito dahil sa sobrang timbang.
Sinisi pa ang bigat nito dahilan ng pagka-flat ng mga gulong ng kanyang sasakyan.
Ang kabiguang humarap sa board sa nasabing petsa ay ikukunsidera nang waiver sa parte ng driver at operator para dinggin ang kaso, at desisyunan batay sa isinumiteng ebidensya. | ulat ni Rey Ferrer