Job fair para sa 4Ps beneficiaries, binuksan sa Malabon

Facebook
Twitter
LinkedIn

Umarangkada na ngayong umaga ang job fair ng Malabon LGU para sa mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilya Pilipino Program o 4Ps.

Sa pangunguna ito ng Malabon Public Employment Service Office (PESO) sa pakikipagtulungan ng Department of Social Welfare and Department (DSWD) na layong magbigay ng bagong oportunidad sa 4Ps beneficiaries.

Kasalukuyan itong ginaganap sa Malabon Sports Center na tatagal hanggang alas-4 ng hapon.

Kabilang sa mga trabahong maaaring aplayan sa naturang job fair ang service crew, maintenance worker, welder, accounting staff, delivery rider, at iba pa.

Umaasa naman si Malabon Mayor Jeannie Sandoval na maraming 4Ps beneficiaries ang makilahok rito para makatulong sa pag-angat ng kanilang pamumuhay. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us