Idineklara ng Malacañang na regular holiday ang June 17 upang bigyang daan ang obserbasyon ng Eid’l Adha.
Ito ang kinumpirma ni Communications Secretary Cheloy Vicaria Garafil ngayong hapon.
Base sa proclamation no. 579 na pirmado ni Executive Secretary Lucas Bersamin, ang Eid’l Adha ay isa sa dalawang malalaking kaganapan ng Islam.
Alinsunod na rin ito sa rekomendasyon ng National Commission on Muslim Filipino, base sa 1445 Hijrah Islamic Lunar Calendar.
“Under Republic Act No. 9848, the 10th day of Zhul Hijja, the 12th month of the Islamic Calendar, is a national holiday for the observance of Eid’l Adha, with a movable date.” —PCO.
Tumutukoy ang Eid’l Adha sa Muslim festival na siyang nagmamarka ng pagtatapos ng taunang pilgrimate sa Mecca at pag-aalala sa sakripisyong ipinamalas ng propetang si Abraham.| ulat ni Racquel Bayan