Kadiwa Center, binuksan sa tanggapan ng Bureau of Animal Industry

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinalawak pa ng Department of Agriculture-Agribusiness and Marketing Assistance Service (DA-AMAS) ang KADIWA program sa pagbubukas ng karagdagang site sa Metro Manila.

Ngayong araw, muling bubuksan ang Kadiwa sa tanggapan ng Bureau of Animal Industry (BAI) sa Visayas Avenue, Quezon City.

Ito ay nakasoft-opening mula pa noong Huwebes hanggang ngayong araw, June 21 mula 7:00AM – 2:00PM.

Kabilang sa mabibili sa Kadiwa Center ang wholesale at retail ng sari-saring produkto gaya ng mga gulay, prutas, karne, isda, itlog, at bigas.

Kasunod nito ay nanawagan ang DA na suportahan ang mga lokal na magsasaka sa pamamagitan ng pagbisita sa Kadiwa sites. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us