Muling dadayo ang Kadiwa ng Pangulo sa lungsod ng Caloocan para mag-alok ng mas murang agri-fishery products sa mga mamimili.
Sa abiso ng DA, simula ngayong araw ay magbubukas muli ang Kadiwa ng Pangulo sa C-Cube Caloocan City Hall mula 7:00 am hanggang 5:00 pm.
Tatagal ito hanggang bukas, June 28.
Ayon sa DA, iaalok dito ang mga sariwang bilihin gaya ng gulay, itlog at prutas na mas mura habang tinutulungan din ang mga magsasaka at micro, small, and medium enterprises (MSMEs).
Bukod sa Kadiwa ng Pangulo, tuloy-tuloy din ngayong araw ang bentahan ng mas murang mga produkto sa mga regular na Kadiwa sites. | ulat ni Merry Ann Bastasa