Asahan nang makakaranas ng mga pag-ulan ang kanlurang bahagi ng Luzon at Visayas dulot ng Southwest Monsoon o habagat.
Base sa pagtaya ng PAGASA, magkakaroon ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at pagkidlat-pagkulog sa mga apektadong lugar.
Kabilang sa uulanin ang Metro Manila, Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, Zambales, Bataan, Tarlac, Pampanga, Bulacan, CALABARZON, MIMAROPA, at Western Visayas.
Dahil sa mga pag-ulan na ito, posibleng magkaroon din ng flash floods o landslides lalo na sa low lying areas.
Ang iba pang natitirang bahagi ng bansa ay bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may isolated rainshowers at thunderstorms.
Samantala, dahil sa pagbuhos ng ulan sa Quezon City kanina, ilang redidente sa Barangay San Agustin ang nakaranas ng pagbaha.
Lampas tao di umano ang baha partikular sa Sitio Kawayan pero mabilis namang humupa.| ulat ni Rey Ferrer