Karagdagang “artillery” dineploy sa Eastern Visayas para ubusin ang nalalabing NPA

Facebook
Twitter
LinkedIn

Malugod na tinanggap ng 8th Infantry Division ang pagdating sa kanilang Headquarters sa Camp Vicente Lucban, Catbalogan City, Samar ng 1st Howitzer Platoon, Bravo Battery, mula sa 7th Field Artillery Battalion (7FAB), ng Army Artillery Regiment (AAR).

Ayon kay 8th ID Commander Major General Camilo Z. Ligayo, ang pagdating ng 1st Howitzer platoon dala ang kanilang mga 155mm M114 Howitzer ay makakatulong sa matagumpay na kampanya ng 8ID at Joint Task Force (JTF) Storm para wakasan ang NPA sa rehiyon.

Pinuri ni MGen. Ligayo ang mga tagumpay ng 1st Howitzer Platoon sa kanilang mga nakalipas na assignment at sinabing ang kanilang pagdating ay magpapalakas sa “firepower” ng 8ID.

Ang 155mm M114 Howitzer ang isa sa pinakamalakas na artillery asset ng Philippine Army. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us