Nilagdaan na ni Agriculture Secretary Francis Tiu Laurel Jr. at ni Cheryl Eusala, executive director ng Philippine Rubber Research Institute (PRRI) ang Memorandum of Agreement (M.O.A.) para sa 7.4 na ektaryang lupain na gagawing Research and Development at Experimental Sites ng institusyon sa lalawigan ng Zamboanga Sibugay.
Ang PRRI ay naitatag sa ilalim ng R.A. 10089 na akda ni Governor Dulce Ann K. Hofer no’ng siya’y naging kinatawan sa Kongreso ng ikalawang distrito ng Zamboanga Sibugay.
Layon ng nasabing batas na pabutihin ang kalidad at palaguin ang produksyon ng goma sa Pilipinas sa pamamagitan ng research and development.
Ang MOA signing ay ginanap sa DA Head Office sa Maynila.
Laki ang pasasalamat naman ni Governor Hofer kay Secretary Laurel dahil nabigyan ng permanenteng opisina at tahanan ang PRRI sa Barangay Sanito sa sa Ipil, Zamboanga Sibugay.| ulat ni Lesty Cubol| RP1 Zamboanga Sibugay