Kautusan ni PBBM na isama sa bibigyan ng ayuda ang mga buntis at nagpapasuso, pinuri

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinasalamatan ng Malusog at Matalinong Bata Coalition ang hakbang ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na isama sa First 1000 Days na ayuda ang mga buntis at nagpapasuso. 

Ayon kay Lyonel Tanganco, Co-Convenor, Malusog at Matalinong Bata Coalition, ang desisyon na ito ng administration ay kumakatawan sa layunin ng gobyerno na patatagin ang kalusugan at maayos na paglaki ng bata ng hanggang dalawang taon. 

Sinabi pa ni Tanganco na ang inisyatibong ito ay hindi lamang tumutukoy sa pagkain ng isang ina bagkus sa isang malusog na susunod na henerasyon. 

Tinawag rin nila na mahusay na investment ang naturang programa lalo pa at kritikal ang isang buhay mula sa sinapupunan hanggang sa dalawang taong gulang. 

Base sa kanilang pag-aaral, nasa 26.7% ng mga batang Pinoy mula limang taong gulang pababa ay maituturing na nasa krisis ng kalusugan at nangangailangan ng mas maraming nutrisyon para maging balanse ang kanyang pamumuhay.  | ulat ni Mike Rogas

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us