Sa atas ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., agaran ang isinagawang pagkilos ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan para sa repatriation ng mga labi ng tatlong overseas Filipino workers (OFWs) na nasawi sa naganap na sunog sa Al-Mangaf, Kuwait City, Kuwait.
Ayon sa opisyal na pahayag, ang Department of Foreign Affairs (DFA), Department of Migrant Workers (DMW), at ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ay nagtutulungan upang mapabilis ang pag-uwi ng mga biktima.
Inaasahang darating ang kanilang mga labi bukas ng hapon, Hunyo 17.
Ipinag-utos naman ni OWWA Administrator Arnell Ignacio ang Kuwait Post na asikasuhin ang lahat ng kinakailangang dokumento para sa mabilis na pagpapauwi ng labi ng tatlong OFWs.
Nakikipag-ugnayan na rin ang mga Regional Welfare Offices ng OWWA sa mga kaanak upang magbigay ang mga ito ng agarang tulong at suporta.| ulat ni EJ Lazaro