Lady solon, patuloy na isusulong ang ₱750 wage increase

Facebook
Twitter
LinkedIn

Muling iginiit ni Gabriela Party-list Representative Arlene Brosas na kailangan nang ipatupad ang ₱750 across the board wage increase upang makamit ang ₱1,200 na arawang Family Living Wage.

Sa gitna na rin ito ng pagsisimula ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board-National Capital Region (RTWPB-NCR) na talakayin ang petisyong umento sa sahod.

Sabi ni Brosas ang kasalukuyang minimum wage sa Metro Manila na ₱610 ay hindi sasapat para punan ang batayang pangangailangan ng pamilyang Pilipino lalo na at patuloy ang pagtaas sa presyo ng bilihin at serbisyo.

Tinuligsa rin ng lady solon ang mungkahi ng ilang employer’s group na magpatupad ng ₱24 na wage increase.

Aniya isa itong insulto sa mga manggagawang Pilipino gayong ang mga malalaking kumpanya ay tuloy-tuloy lang sa pagkamit ng mataas na kita.

Sinabi pa niya na 38 Filipino companies ang nakasama sa Fortune Magazine’s inaugural “Southeast Asia 500” list.

Kasalukuyang nakasalang pa rin sa House Committee on Labor Employment ang panukala para sa taas-sweldo ng mga manggagawa. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us