Lahat ng morning flights sa Bacolod-Silay Airport, kanselado — CAAP

Facebook
Twitter
LinkedIn

Naglabas na ng anunsyo ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) na lahat ng morning flights mapa-inbound o outbound sa Bacolod-Silay Airport ay kanselado. 

Paliwanag ng CAAP, ito ay bunsod ng phreatic explosion ng Kanlaon Volcano. 

Base naman sa impormasyong natanggap ng CAAP mula sa mga airline station managers, ang mga afternoon flights ay maari nang makabyahe depende sa sitwasyon o update sa mga aktibidad ng Bulkang Kanlaon.

Naiparating na rin ng mga airlines sa kanilang pasahero hinggil sa estado ng kani-kanilang mga flights.  | ulat ni Lorenz Tanjoco

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us