Pormal na idineklara ang Lamitan, Basilan bilang ‘Abu Sayyaf-free’, matapos ang ilang dekadang pamamayagpag ng teroristang grupo sa lugar.
Ang pormal na deklarasyon ay isinagawa sa pamamagitan ng pampublikong seremonya na dinaluhan ng mga lokal na pinuno at opisyal ng militar at pulisya.
Dito’y ibinida ng mga lokal na opisyal ang kanilang plano na i-develop bilang investment hubs ang 45 barangay ng siyudad, ngayong wala nang impluwensya ang teroristang grupo sa lugar.
Nagpaabot naman ng pagbati si Philippine Army Chief Lt. General Roy Galido sa lokal na pamahalaan at mga tauhan ng militar at pulis sa lugar sa kanilang mahusay na koopersyon na nagresulta sa pagpapalaya ng siyudad mula sa Abu Sayyaf. | ulat ni Leo Sarne
📷: Philippine Army