Patuloy pa ring natatapyasan ang lebel ng tubig sa Angat Dam.
Sa update ng PAGASA Hydromet Division, kaninang alas-8 ng umaga, nabawasan pa ng 15 sentimetro ang antas ng tubig sa Angat Dam kaya nasa lebel na ito na 177. 24 meters.
Mula ito sa 177.39 meters na naitala noong nakaraang araw.
Kapos pa rin ito para umabot sa minimum operating level ng dam na 180 meters.
Bukod naman sa Angat Dam, bumaba rin ang lebel ng tubig sa Ipo, San Roque, at Magat Dam ngayong umaga.
Habang nadagdagan naman ang lebel ng tubig sa iba pang dam sa Luzon. | ulat ni Merry Ann Bastasa