Sa kabila ng mga pag-ulan ay natatapyasan pa rin ang lebel ng tubig sa Angat Dam.
Sa update ng PAGASA Hydromet Division, kaninang alas-8 ng umaga, nabawasan pa ng anim na sentimetro ang antas ng tubig sa Angat Dam kaya nasa lebel na ito na 175.88 meters.
Mula ito sa 175.94 meters na naitala noong nakaraang araw.
Halos limang metrong kapos ito para umabot sa minimum operating level ng dam na 180 meters.
Bukod naman sa Angat Dam, bumaba rin ang lebel ng tubig sa Caliraya Dam ngayong umaga.
Habang nadagdagan naman ang lebel ng tubig sa iba pang dam sa Luzon.
Una nang sinabi ng PAGASA na posibleng sa Hulyo pa dumating ang mga malalakas na pag-ulang magpapataas ng lebel ng tubig sa Angat Dam. | ulat ni Merry Ann Bastasa