Bibigyang parangal ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) at Galing Pook Foundation (GPF) ang mga local government units (LGUs) na masigasig sa kanilang inisyatiba na wakasan ang kagutuman sa bansa.
Ayon kay DSWD Spokesperson Assistant Secretary Irene Dumlao, 10 lokal na pamahalaan ang pipiliin sa Walang Gutom Awards kung saan ang bawat mananalong LGU ay makatatanggap din ng ₱2-milyong pondo mula sa Sustainable Livelihood Program (SLP) ng kagawaran.
Ang mga mananalong LGU ay pinili base sa mga inisyatiba at programa kabilang na ang impact nito sa food security at nutrition, pakikilahok ng komunidad, innovation, resilience, at sustainability.
Idadaos ang Walang Gutom Awards ngayong Miyerkules, June 26, kung saan ang mga awardee ay paparangalan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., at DSWD Secretary Rex Gatchalian sa Malacañan. | ulat ni Merry Ann Bastasa