Pinuri ni Speaker Martin Romualdez ang pagiging ganap na batas ng panukala na ilibre na sa college entrance exams ang mga kwalipikadong mag-aaral.
Aniya, isa itong paraan upang maibsan ang pasanin ng mga mag-aaral at kanilang pamilya at masiguro na mabigyan sila ng oportunidad na maipagpatuloy ang pag-aaral.
Hakbang din aniya ito upang masiguro na mabigyan ng patas na oportunidad sa edukasyon ang lahat ng Pilipino ano man ang kanilang financial situation.
“By waiving entrance exam fees, we are removing a significant hurdle that prevents many talented and deserving students from pursuing their dreams of higher education,” sabi niya.
Mayo nang ratipikahan ng Kongreso ang panukala at nitong June 14 ito nag-lapse into law.
Sa ilalim ng panukala ang mga higher education institution ay inaatasan na i-waive ang entrance examination fees para sa mga mag-aaral na may academic potential ngunit kapos sa buhay.
Kailangan lamang na sila ay natural born Filipino na kabilang sa top 10 percent ng kanilang graduating class at ang kita ng kanilang pamilya ay mababa sa poverty threshold.
“Education is the key to unlocking our nation’s potential. When we invest in our youth, we invest in the future of our country. This law will help ensure that more students have the chance to succeed, thereby contributing to the growth and progress of the Philippines,” sabi ni Romualdez. | ulat ni Kathleen Jean Forbes