Bilang pagpupugay sa mga sakripisyo ng mga overseas Filipino worker (OFW).
Maghahandog ng libreng konsultasyon at serbisyong medikal ang Department of Migrant Workers (DMW) sa mga OFW at kanilang pamilya sa pamamagitan ng OFW Hospital.
Ito ay bahagi ng pagdiriwang ng Migrant Workers Day na isasagawa sa DMW Head Office sa Mandaluyong City simula June 3 hanggang June 7.
Ayon sa DMW, layon ng aktibidad na bigyang diin ang kahalagahan ng mga OFW sa pag-unlad ng bansa.
Ipinagdiriwang ang Migrant Workers Day tuwing June 7 kada taon sa ilalim ng Republic Act 8042 o mas kilala bilang Migrant Workers Act of 1995. | ulat ni Diane Lear