Patuloy na nagbibigay ng libreng legal assistance ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa pamamagitan ng kanilang Public Assistance Complaints Unit (PACU).
Ayon sa pinakahuling ulat ng DOLE Legal Service, nakapagserbisyo na ang PACU sa 169 na walk-in clients, 116 na mga phone queries, at halos 1,000 tanong sa pamamagitan ng email noong Abril 2024.
Ayon sa DOLE, karamihan ng kanilang mga natanggap na mga tanong ay patungkol sa employment at labor rights.
Layunin ng PACU na gawing mas accessible sa mga manggagawa ang legal assitance nito upang matiyak na nauunawaan nila ang kanilang mga karapatan at mga legal option na available sa kanila.
Sa mga nais maka-avail ng tulong mula sa DOLE-PACU, maaring bumisita sa kanilang opisina sa PACU Office sa Intramuros, Manila o tumawag sa kanilang linya ng telepono bilang (02)8527-3000 loc. 607 o hindi kaya ay online sa query.dole.gov.ph. | ulat ni EJ Lazaro