Light Rail Manila Corporation, maghahatid ng Libreng Sakay sa LRT Line 1 ngayong Araw ng Kalayaan

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ngayong ika-126 na anibersaryo ng Araw ng Kalayaan ng bansa, maghahatid ng Libreng Sakay ang Light Rail Manila Corporation (LRMC) na siyang may hawak ng LRT Line 1.

Mag-uumpisa ang Libreng Sakay ngayong araw, mula alas-7 hanggang alas-9 ng umaga at alas-5 ng hapon hanggang alas-7 ng gabi.

Ito’y upang magbigay ng pagpupugay sa ating mga bayani na nagbuwis ng buhay upang makamit ang kalayaan ng ating bansa.

May ilang programa pa ang pamunuan ng LRMC hinggil sa selebrasyon ng Araw ng Kalayaan. | ulat ni AJ Ignacio

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us