Nakaranas ng lindol o “tectonic earthquake” ang Lalawigan ng Palawan sa bahagi ng mga Munisipyo ng Roxas, Cuyo, at Narra.
Batay sa ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), naganap ang pagyanig kaninang 2:58 ng hapon, June 11, 2024.
Umabot sa 5.1 ang magnitude ng lindol, habang nasa intensity 3 ang Roxas at intensity 1 ang Cuyo at Narra.
Inaasahan ayon sa PHIVOLCS ang aftershocks at wala ring tinitingnang anumang damage o pagkasira ng mga istruktura.
Sa kasalukuyan ay kinukuha pa ng Radyo Pilipinas Palawan mula sa Palawan Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) ang karagdagang impormasyon kaugnay sa insidente.| ulat ni Gillian Faye Ibañez| RP1 Palawan