Sinaksihan ni Presidential Peace Adviser Secretary Carlito Galvez Jr. at National Amnesty Commission (NAC) Chairperson Leah C. Tanodra-Armamento ang panunumpa sa tungkulin ng mga bagong miymebro ng mga Local Amnesty Board (LAB).
Ang mga miyembro ng 9 na naitatag na Local Amnesty Board mula sa National Capital Region (NCR), Iloilo City, Bacolod City, Davao City, Cagayan de Oro City, Cotabato City, Pagadian City, Isabela City, Basilan, at Jolo, Sulu ay nanumpa sa harap ni Executive Secretary Lucas P. Bersamin sa Malacañang noong nakaraang linggo.
Kasama din sa mga dumalo sa aktibidad sina NAC Commissioners Jamar M. Kulayan at Nasser A.
Marohomsalic, Presidential Assistant Wilben
Mayor,, Undersecretary Angelito De Leon ng Department of National Defense, at Assistant Secretary of the Department of Justice Anika Majken Gran-Ong.
Ang LAB ay binubuo ng mga respetadong indibidual mula sa iba’t ibang sektor, na magsisilbing frontliner sa proseso ng pag-aplay para sa amnestiya.
Sa kanyang mensahe ng pagsuporta, sinabi ni Sec. Galvez na sa pamamagitan ng LAB ay masisiguro ang integridad at pagiging patas ng pagpapatupad ng Amnesty Proclamation ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para sa mga kwalipikadong dating rebelde. | ulat ni Leo Sarne
📷 Courtesy of NAC