LRT-2, magbibigay ng libreng sakay para sa mga marino kasabay ng pagdiriwang ng Day of the Filipino Seafarer bukas

Facebook
Twitter
LinkedIn

Maghahandog ang pamunuaan ng Light Rail Transit Authority (LRTA) ng libreng sakay para sa mga marino.

Ito ay bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng Day of the Filipino Seafarer bukas, June 25.

Batay sa abiso, maaaring i-avail ang libreng sakay sa LRT-2 simula alas-7 ng umaga hanggang alas-9 ng umaga at alas-5 ng hapon hanggang alas-7 ng gabi.

Ipakita lamang ang Seafarer’s Record Book, Seafarer’s Identification Booklet, o Seafarer Identity Document para sa libreng sakay.

Ayon kay LRTA Administrator Atty. Hernando Cabrera, ang nasabing libreng sakay ay pasasalamat din sa sakripisyo at ambag ng mga seafarer para mapaunlad ang maritime sector ng bansa. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us