Magbibigay ng libreng sakay ang pamunuan ng Light Rail Transit Authority (LRTA) sa lahat ng mga pasahero bukas.
Ito ay bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng ika-126 na Araw ng Kalayaan.
Batay sa abiso, maaaring i-avail ang libreng sakay sa LRT Line 2 simula ng alas-7 umaga hanggang alas-9 ng umaga at alas-5 ng hapon hanggang alas-7 ng gabi.
Ayon kay LRTA Administrator Atty. Hernando Cabrera, nakikiisa ang ahensya sa pagbibigay-pugay sa ating mga bayani na nagbuwis ng buhay at sakripisyo para sa ating bayan.
Umaasa naman ang LRTA ๐ฌ๐ ๐ฉ๐๐ฆ๐๐ฆ๐๐ ๐ข๐ญ๐๐ง ๐ง๐ ๐ฅ๐ข๐๐ซ๐๐ง๐ ๐ฌ๐๐ค๐๐ฒ ๐๐ฒ ๐ฆ๐๐ง๐๐ญ๐ข๐ฅ๐ข๐ง๐ ๐๐ฎ๐ก๐๐ฒ ๐ฌ๐ ๐ฆ๐ ๐ ๐ฉ๐๐ฌ๐๐ก๐๐ซ๐จ ๐๐ง๐ ๐ญ๐ฎ๐ง๐๐ฒ ๐ง๐ ๐๐ข๐ฐ๐ ๐ง๐ ๐ฉ๐๐ ๐๐ข๐ซ๐ข๐ฐ๐๐ง๐ ๐ง๐ ๐๐ซ๐๐ฐ ๐ง๐ ๐๐๐ฅ๐๐ฒ๐๐๐ง ๐ฉ๐๐ซ๐ ๐ฌ๐ ๐ข๐ฌ๐๐ง๐ ๐๐๐ ๐จ๐ง๐ ๐๐ข๐ฅ๐ข๐ฉ๐ข๐ง๐๐ฌ. | ulat ni Diane Lear